Mangubat.Gabi magtatagpo sa weigh-in

At dahil nasaayos na ang lahat, ang mga maglalaban bukas sa San Miguel Corporation-backed ‘Engkwentro’ card ay magtatagpo sa unang pagkakataon sa official weigh-in na gagagnapin ngayon sa RBM Hotel.

Si Games and Amusements Board Boxing Division chief Emmanuel Flores ang mamamahala sa aktibidad ngayong araw sa presensiya ng lahat ng opisyal na magtatrabaho bukas sa WBC International flyweight showdown sa pagitan nina titlist Randy Mangubat at local hero Prince Gabi.

Si International referee Bruce McTavish ang third man sa ring, habang tatlong international judges ang huhusga sa laban. Ito ay sina Teddy Alivio, Edwin Sese, at Salven L. Lagumbay.

Samantala, magkakaroon ng sp1ecial primer ngayong gabi sa NBN-4 mula alas-7 hanggang alas-8 ng gabi.

Show comments