Ang 14-anyos na si Bacolod na siyang pina-kamaraming medalyang naiuwi sa 3rd Mindanao Games noong isang linggo, ay nagwagi sa 200m freestyle individual medley para pangunahan ang Northern Mindanao na lumikom ng 30 ginto sa disiplinang ito.
Ang iba pang NMRAA tankers na nagwagi kaha-pon ay sina Semon Baoc Jr., sa elementary boys 50m freestyle, Haroon Cali sa secondary boys 200m free, Gramielle Ambalong sa EG 100m breaststroke, Roy Na-barro sa SB 100m breast, Shahani Navarro sa SG 100m breast at ang koponan sa SG 200m free relay.
Samantala, dalawang bagong rekord sa tau-nang kompetisyong ito ang naitala kahapon sa pamamagitan ng 2 ele-mentary athletes ng Davao region na sina Alejandro Lonzaga at Jeffrey Añosa sa larong discuss throw at triple jump, ayon sa pagkaka-sunod.
Ipinukol ni Lonzaga ang bakal na plato sa layong 36.04 metro upang burahin ang dating rekord na 34.79m na naitala ni Palson Madsali sa 2002 edisyon habang si Añosa naman ay lumundag sa distan-siyang 12.47 metro na sumira sa inirehistrong 12.38m ni Jereme Tamles noon ding isang taon sa Naga.
Papasok sa huling araw ng kompetisyon ngayon, ang host dele-gation ay nananatili pa rin sa liderato ng secondary disvision na may 30 ginto, 24 pilak at 18 tanso. Sila ay sinusundan ng Central Luzon (Region 3) na tumabo kahapon ng 15 ginto para maiakyat ang kanilang koleksiyon sa 24-9-20.
Subalit sa elementary division, ang NMRAA ay pinalitan sa trangko ng DAVRAA kung saan humakot ito ng 37-31-21 kumpara sa 21-16-28 ng una.