Hindi ako mahilig sa kotse at motorsiklo pero tumulo ang laway ko sa aking paglibot para lamang makita ang mga latest model ng kotse at big bike. Pero laking gulat ko ng karamihan pa pala doon ay pawang ilalabas pa lamang sa year 2004.
Pero mas pinagsawa ko ang aking mga mata sa mga motorsiklo, maliit man o malaki pambata man o pang-matanda babae at lalaki.
Pawang ooohs at wow lamang ang lumalabas sa aking bibig. Lalo na nang makita ko yung mga naglalalakihang bike na tila sasakyan ng mga pulis kalawakan ng kanilang mga anime na napapanood sa TV dito sa ating bansa.
Lalo na yung ipinakita ang Honda motorcycle na bago.
Nakalimutan ko yung model pero, wag kayong mag-alala at maglalabas din kami ng photos para dito.
Salamat sa invitation ng Honda Philippines, pinakamalaking manufacturer ng motorcycle sa bansa sa very rare opportunity na ito.
Tuwang-tuwa kaming lahat sa biyaheng ito sa Tokyo. kasama ko dito ang motoring writer ng Philippine Star na si Lester " Hosto" Dizon, Abante sports editor Tito Bolitas" Deblois, Jun Fuji digicam Lespai ng Peoples Journal, at si Junep " Aga Muhlach" Ocampo ng Right Media.
Siyempre kasama din naman ang assistant to the President ng Honda Phils. na si Satoshi Bryan" Ocada, AVP for Marketing Ager Kiocho.
Isang malaking pagkakataon ang ibinigay sa amin ng Honda Phils. sa biyaheng ito na magbubukas ng mga mata ng mga kababayan natin tungkol sa motorsiklo.
Sa mga susunod na artikulo natin ipapakita natin ang kahalagahan ng wasto, ligtas at masayang paraan ng pagsakay ng motorsiklo na in-na-in na sa ating bansa na sumusikip at masyasdong grabe ang trapiko. Sa tulong ng motrosiklo, malalaman natin ang ginhawa nito.
So wait na lang kayo at magbibigay din kami ng tips tungkol sa Honda Riding Academy na siyang nangangasiwa ng mga tamang pamamaraan ng pagmomotorsiklo.
Gets nyo?