TNT lusot sa Ginebra

Sumandal ang Talk N Text kay Damien Cantrell sa huling minuto ng labanan upang igupo ang Ginebra, 97-95 sa PBA Samsung Reinforced Conference sa Araneta Coliseum kagabi.

Ito ang ikapitong panalo ng Phone Pals sa 12-laro na pumutol sa kani-lang apat na sunod na kabiguan habang bumagsak naman ang Ginebra sa 6-7.

Pareho nang pasok sa quarterfinals ng Group B ang Phone Pals at Gin Kings kasama ang Coca-Cola at Red Bull.

Tumapos si Cantrell ng 36-puntos na nanguna sa 11-0 blast katulong sina Jimmy Alapag at Victor Pablo.

Nagkaroon pa ng pag-asa ang Ginebra na nakalapit sa 95-97 at may tsansang agawin ang panalo o dalhin ang laro sa overtime nang magmintis si Pablo sa kanyang jumper ngunit nagmintis naman ang 3-pointer ni Caguioa sanhi ng kanilang kabiguan.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Purefoods at Sta. Lucia.

Show comments