Matapos malimitahan sa siyam na puntos sa ikalawang quarter, buma-wi ang Barako sa ikatlong quarter sa pangunguna nina Mick Pennisi at import Scott Burell na may pinagsamang 21 puntos sa naturang yugto.
Kinumplimentuhan naman ito ni Willie Miller sa final canto upang ilista ang ika-9 na panalo sa 11 laro ng Red Bull.
Kumpleto na ang cast ng quarterfinals sa Group B na kinabibilangan ng Coca-Cola, Red Bull, Ginebra at Talk N Text.
"This win is important to us because its going to give us a psychological edge we need in the quarterfinal," pahayag ni Red Bull coach Yeng Guiao.
Ang Shell na nasibak sa kontensiyon ay lalo namang nabaon bunga ng ikalimang sunod na talo at ika-siyam sa 12-laro.
Samantala, dadako naman ang aksiyon sa Cebu City sa pagsasagupa ng Alaska at San Miguel sa Cebu Coliseum ngayong alas-5:00 ng hapon.
Nakataya ang ikalimang panalo sa engkwentrong ito ng Beermen (4-7) at Aces (4-6) na maglalapit sa kanila sa pintuan ng quarterfinals sa Group A.
Ngunit kung matatalo ang FedEx kontra sa Sta. Lucia na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito, ang mananalo sa engkwentrong San Miguel at Alaska ay pasok na sa susunod na round.
Nakauna na ang Realtors sa quarterfinals ng grupo bunga ng kanilang matayog na kartada.