Dahil sa tagumpay na ito, ang NCAA champion na Knights ay umakyat sa semifinals habang ang Falcons, na pumalit lamang sa Ateneo Blue Eagles, ay tuluyan nang napatalsik sa torneong ito, na inorganisa ng ABS-CBN Foundation para sa proyekto nitong Bantay Bata 163.
Ang Falcons ay nagmistulang patungo sa pagposte ng malaking pagsilat nang kontrolin nito ang unang yugto ng laro. Sa katunayan, ang tropa ni coach Luigi Trillo ay lumamang ng hang-gang 15 puntos at pumasok sa huling 8 minuto na tangan ang 61-48 bentahe.
Subalit sa pangunguna ng NCAA Final MVP na si Enrile, isang 17-3 run ang pinakawalan ng Knights upang matikman ang trangko sa unang pagkakataon, 65-54. may 3:05 ang natitira.