Nauna rito, ginapi ni Reyes si Earl Strickland ng United States habang iginupo naman ni Bustamante si reigning Cardiff world champion Thorsten Hohmann ng Germany sa magkahiwalay na semifinals at itakda ang all-Filipino final.
Ibinulsa ni Reyes ang premyong $12,000.
Sina Reyes at Bustamante ay babalik ng Maynila ngayong gabi.
Maglalaro sila sa ban-sa kasama sina Strickland, Hohmann, Alex Pagulayan, Johnny Archer (USA) at Mika Immonen (Finland) sa isang international meet na magkatulong na inorganisa ng Puyat Sports at ABS-CBN Broadcasting Corporation sa Oktubre 28-31.