Import ng SMBeer papalitan

Ibabalik ng San Miguel Beer ang dating import ng Sta. Lucia na si Kwan Johnson bilang kapalit ng magaling pero injured na si Shea Seals kasabay ng pagkuha kina Anton Villoria at Rysal Castro mula sa Red Bull Barako sa pag-asang mapunan ang kakulangan ng Beermen sa lineup.

Ang naturang trade ay magbibigay sa Barakos ng second round draft pick sa 2004 o 2005 depende sa kagustuhan ng Red Bull.

Si Johnson ay kinuha ng Denver Nuggets sa drafting pero hindi ito nakarating sa training camp dahil na-injured ang kanyang bukung-bukong. Noong nakaraang season naglaro si Johnson sa Golden State Warriors team sa Southern California Summer Pro League.

Ang 29 anyos na si Johnson ay naglaro ng pitong seasons sa United States Basketball League at sa huling season naglaro ito sa Westchester Wildfire. (Ulat ni DMVillena)

Show comments