Letran Knights kampeon

Tuluyan nang inangkin ng Colegio de San Juan de Letran ang titulo sa NCAA men’s basketball tournament nang agawin nila ito sa San Sebastian College sa pamamagitan ng 64-59 panalo sa deciding Game Three kahapon sa punum-punong Cuneta Astrodome.

Tinapos ng Letran ang best-of-three champio-ship series sa pamama-gitan ng 2-1 panalo-talo upang pigilan ang five-peat titlist San Sebastian na maisagawa ang isa na namang malaking achievement.

Naduplika ni Letran coach Louie Alas ang kanyang tagumpay noong 1998 nang pigilan nito ang limang sunod na pagkakampeon ng Baste.

Inalat sa freethrows ang Stags sa krusiyal na sandali matapos makabangon ang Letran.

Nawala sa Baste ang trangko ng sunod-sunod na umiskor ng basket sina Boyet Bautista, Aaron Aban at Jonathan Pinera upang makabangon ang Knights sa 56-58 na pagkakahuli at umangat sa 62-58 pangunguna, 46.1 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Bagamat nakakuha ng foul si San Sebastian guard Nicole Uy mula kay Rodriguez, kapwa nagmintis naman ang kanyang freethrows.

Nagkaroon uli ng pagkakataon ang Stags nang humugot naman ng foul si Michael Gonzales kay Bautista, at nag-split ang kanyang bonus shot para makalapit sa 59-60, 30 segundo na lamang ang nasa orasan.

Si Bautista ang napiling Best Player of the Game sa kanyang kina-nang 19 puntos, 7 rebounds at 5 assists ngunit ang malaking karangalan ay ibinigay kay Enrile na siyang napiling Most Valuable Player ng finals. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

Show comments