PNP sali sa Beam-Zest-O Patakbong Pinoy

Sasali ang Philippine National Police sa Beam-Zest-O Patakbong Pinoy habang inaasahan namang susunod din ang Armed Forces na sumunod sa kanilang paglahok sa karera sa Oktubre 5, sa Raja Sulaiman Park sa harap ng Malate church.

Ang PNP ay dagdag sa lumaking bilang ng partisipante na kinabibilangan ng St. Augustine School of Nursing-Makati

Ang iba pang organisasyon ng inaasahang magpapadala ng kanilang runners para sa special cash prize na P5,000 para sa pinakamalaking delegasyon ay ang Tarlac/Army runners ni Rey Antoque, Tutuban Joggers Club, Directlink, Letran cagers, PCU at Adamson U.

Patuloy pa rin na tumatanggap ng pagpapalista sa San Andres Sports Complex sa Malate, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon Lunes hanggang Biyernes. Sa mga interesado puwede ring tumawag sa 09176911259 o 09195399572.

Show comments