Montecillo, Sevilleno sa Cebu leg ng Milo Marathon

CEBU CITY--Bigong idepensa ang kanilang titulo noong nakaraang taon, nag-balik sa senaryo ang 20 anyos na estudiyante ng University of San Jose Recoletos na si Bowen Montecillo at iposte ang kanyang ikatlong panalo sa apat na pagtatangka para pangunahan ang mga top qualifiers ng naturang rehiyon.

"Nung una kumpyansa ako na manalo, tapos nanigas ang katawan ko sa last 5K, kinabahan ako buti na lang nakakuha ng second wind sa last two kilometers," ani Montecillo na nag-uwi ng P10,000 premyo at umusad din sa MILO Marathon finals, na magkakatulong na itinataguyod ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Powerbar at DOT.

Nabigo naman si Rogelio Reli na duplikahin ang kanyang back-to-back na panalo ngunit nakasama rin sa finals nang tumapos itong ikalawa habang ikatlo naman si Tirso Pamay-bay.

Sa kababaihan, nagsolo ang defending champion na si Christy Sevilleno mula sa umpisa hanggang sa matapos ang karera at iposte ang isa pang tagumpay kasama ang P10,000 premyo at pagkakataon na makumpleto ang full marathon finals.

Pumangalawa naman si Sharon Vega at tersera si Leszl Gitarvelas para makasama rin sa National finals sa Oktubre 19 sa Metro Manila.

Show comments