Mahigpit ang naging laban sa harap ng nananabik na manonood, ngunit hindi naging masuwerte si Bustamante, na may 10-9 bentahe, sa kanyang tangkang kombinasyon na nagbigay ng tsansa kay Reyes na baligtarin ang mesa at maitabla ang iskor sa10-all.
Hawak ang bagong kumpiyansa nakuha ni Reyes ang 11-10 tagumpay at ubusin nito ang rack at nagdala kay Bustamante sa losers side kasama ang dalawang beteranong Pinoy na sina Rodolfo Luat at Santos Sambajon na nanatiling buhay ang pag-asa maka-raang magtala ng impresibong tagumpay.
Si Luat na tinalo rin ni Reyes ay namayani kay Will Stone 11-10 at haharapin si Eric Moore, habang si Sambajon na yumuko kay Bustamante 11-8 ay makakalaban naman si Frankie Hernandez.
Nakasama naman ni Reyes ang beteranong si Jose Amang Parica na nanatili sa winning side makaraan ang 11-2 panalo kay Mike Davis, at Danny Hewitt 11-9.
Naging madrama naman ang engkuwentro sa loob ng Chesapeake nang mapatalsik ang 5-time US Open champion na si Earl Strickland ni Danny Basavich11-10. Nauna rito, natalo din si Strickland kay Fabio Petroni ng Italy 11-9. (Ulat ni Dina Marie Villena)