Bustamante vs Sambajon sa US Open 9-Ball

Makakaharap ng isa sa paborito sa US Open na si Francisco ‘Django’ Bustamante ang kababayan na si Santos Sambajon sa pagbabalik ng aksiyon matapos ang isang araw na break dahil sa pananalasa ni ‘Hurricane Isabel’.

Bagamat hindi naman napinsala ng malakas na hangin at ulan ang Chesapeake Conference Center sa Virginia,na naging sanhi pa upang mawalan ng kuryente, naipagpatuloy naman ang torneo noong Biyer-nes ng umaga dahil sa mga dalang generator.

Ang iba pang magagandang tambalan ng laban ay sa pagitan nina dating US Open cham-pion Corey Deuel kontra kay Niels Feijin ng Holland, 5-time USOpen champion Earl Strickland laban naman kay Fabio Petroni ng Italy at Filipino veteran Jose ‘Amang’ Parica kontra kay Mike Davis.

Si Bustamante, napiling " 2002 Player of the Year ng AZ Billiards at Efren ‘Bata’ Reyes ay ilan sa mga nakalistang paboritong magwawagi sa taong ito sa US Open bagamat sinabi ni Reyes sa kanilang sponsor na si Aristeo ‘Putch’ Puyat na kailangang ipagpatuloy ng kanyang kaibigang matalik na si Bustamante ang winning ways. (Ulat ni DMV)<

Show comments