M. Lhuillier vs Quatar para sa korona

Kapwa pinayukod ng M. Lhuillier Kwarta Padala at Qatar-Ricor Mills ang kani-kanilang kalaban upang isaayos ang kanilang sudden-death match para sa korona ng 2003 Trust Classic National Open Championship sa New Cebu City Coliseum.

Sumandig ang M. Lhuillier-Kwarta Padala mula sa tikas sa huling bahagi ni Geremy Robinson upang pabagsakin ang Burlington-NBL, 86-83, habang magaan namang namayani ang Qatar-Ricor Mills kontra sa Chinese Taipei-Plantation Bay, 82-63 sa isa pang laro.

Bunga ng kani-kanilang tagumpay paglalabanan ng Cebuanos at Qataris ang korona sa alas-6 ng gabing kampeonatong sagupaan, habang maghaharap naman ang Taiwanese at Burlington-NBL sa ikatlong puwesto sa alas-4 ng hapon.

Ginapi ni Ho Sou Chen ang superstar ng Qatar na si Ismail Mahmoud, 15-10 sa final round upang tanghaling Three-Point Shootout cham-pion.

Show comments