Beam-Zesto-O run bukas sa lahat

Dadalhin ng Beam-Zesto-O Patakbong Pinoy ang temang "Proud to be Pinoy" sa pag-asam ng twice-monthly footrace na makilala sa pagtakbo nito sa Oktubre 5 sa Raja Sulaiman Park sa Malate.

Ayon kay Nelson Macaraig ng organizing Media Runners and Sports Promotions at Jonel Promotions na akma lamang ang tema sa event na suportado ng Manila Sports Council at naglalayon na mahikayat ang lahat ng sektor ng Filipino na subukan ang tumakbo.

Tumatanggap na ng pagpapatala ngayon sa San Andres Sports Complex sa Malate mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon Lunes hanggang Biyernes sa entry fee na P30 at empty carton ng Beam Toothpaste at ID ng paaralan para sa partisipanteng 18 anyos pababa habang P50 naman sa regular participants at empty carton ng Beam Toothpaste.

Lahat ng interesadong sumali ay maaaring makipag-ugnayan sa telepono bilang 09176911259 at 09195399572.

Show comments