Nagbuhos si Barracel ng 26 puntos, 16 nito ay sa second period kung saan tuluyang nakalayo ang Enforcers. Siya ay sinuportahan nina Rodel Chua at Brian Ilad na nag-tala ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Ang panalo ay ang ika-4 ng PCCr sa lima nilang asignatura na nagsalo sa kanila sa Philippine Mari-time Institute sa ikalawang puwesto.
Sa womens division, nilusutan ng PMI Lady Admirals ang Trinity College of Quezon City, 67-62, para sa kanilang ika-3 sunod na panalo at nagsosolo sa liderato.
Ginapi rin ng Central Colleges of the Philippines ang Technological Institute of the Philippines, 48-40 at inilampaso ng PCCr Lady Enforcers ang DLS-AU, 65-38. (Ulat ni Ian Brion)