Tinanggap ni PSC Chairman Eric Buhain ang nasabing halaga mula kina SMC President Ramon Ang at VP for External Affairs Ira Maniquis sa kabila ng abala ang PSC team sa pakikipag-komunikasyon at pagkolekta ng mga donasyon mula sa mga nangungunang korporasyon sa bansa na naging bahagi ng pledging session na inilunsad ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo sa Malacañang noong nakaraang Agosto 15.
Bukod sa San Miguel, ang iba pang nagbigay ng kani-kanilang donasyon ay ang Ayala Corp. (P2M); William, Gothong & Aboitiz (P2M); Aboitiz Group Foundation (P1M); Globe Telecom (P1M); Smart Communications (P500,000); Fortune Tobacco (P500,000); Philippine National Oil Co. (P300,000); Federal Management & Maintenance Inc. (P100,000); Philippine National Bank (P100,000); at Philippine Deposit Insurance Corp. (P 50,000).
Ang kabuuang pledges na tatanggapin ng First Gentlemans Foundation na siyang nanguna sa pagpapakalat ng fund raising ay hindi bababa sa P24 milyon. Ang iba pang nagbigay ng suporta para sa national athletes ay ang Inter-national Container Terminal Services Inc., Philipine Long Distance Telephone Inc., Samsung Electronics Philippines, Petron Corp., GMA Network Inc., Pepsi Cola, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang ilang bahagi ng nasabing pera na kikitain ng First Gentleman project ay ipanggagastos sa biyahe ng unang batch ng SEA Games-bound athletes (12 boxers, 6 wrestlers, 4 divers, 3 tracksters at 1 judoka) para sa kanilang foreign exposures hinggil sa nalalapit na biyahe sa Vietnam.
Ang bansa ay kakampanya sa nasabing biennial meet simula sa Dec. 5-13 sa Hanoi at Ho Chi Mhin City sa 17 sports disciplines para sa 85 medal potentials na inampon ng 18 korporasyon.