Game Na!

Nahihirapan ang mga PBA teams na makahanap ng import na mataas ang kalidad. Ito ay dahil bumaba ng 30% ang maximum salary ng mga ito, mula $22,000 hanggang $14,000 bawat buwan. Dahil dito pinipili ng iba na maglaro na lang sa France, Greece, o Turkey.

May isa ng pinauwing import, at mukhang may tatlo pang masisibak.

Patunay lamang ito na walang kapalit ang mataas na suweldo. Bagama’t may kasamang kotse, driver, pabahay at iba pang benepisyo, di pa rin siguradong magaling ang makukuha.

Isa pang problema kung college superstar sa US NCAA ang kukunin ay ang pagbabago ng sistema. Marami sa mga dumaan sa Division I o Division II ay sanay sa pag-ikot ng bola. Di gaya ng laro ng PRO, kung saan babad sila sa laro at hindi maaaring magkamali.

Pero marahil ang pinakamalaking problema ay ang pagtubo ng sungay ng mga import pagdating dito. Marami sa kanila ang lumalaki ang ulo dahil masyado silang pinupuri at iniidulo. Ang iba sa kanila ay nagpupuyat, naglalasing, o nahuhumaling sa magagandang babae. Bihira ang di nalululong sa mga ganitong bisyo. Kaya tuloy, marami ang nagtataka kung bakit bihira nang makakita ng katulad ni Sean Chambers, Bobby Parks, at Norman Black.

Nawa’y bantayan natin ang dayuhan na ito tulad ng pagtutulak natin sa mga Fil-Am.

Show comments