Tumatag sa pangkalahatang pamumuno ang Tamaraws matapos ilista ang kanilang ikawalong panalo matapos ang siyam na pakikipaglaban.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Far Eastern at halos pasok na sila sa semi-finals.
Tila naging maamong tupa ang NU Bulldogs sa kaagahan ng laro ng agad na humataw sa 28-6 pangunguna ang Tamaraws sa pagtatapos ng unang canto.
Umiskor si Mark Isip ng 10-puntos sa naturang pag-arangkada ng Far Eastern katulong si Cesar Catli na umiskor ng 8 sa kanyang team high na 20-puntos bukod pa sa 14 rebounds.
Sa ikalawang laro, pinamunuan ni Douglas Kramer ang reserved player ni coach Joel Banal ang pakikipagsapalaran ng defending champion Ateneo de Manila University para sa 69-55 panalo kontra sa Adamson Uni-versity.
Kumamada si Kramer ng 11 puntos at 9 rebounds tampok ang anim sa third canto upang hatakin ang 59-42 bentahe.
Sa pamamagitan nito, naitala ng ADMU Blue Eagles ang 7-2 baraha at tumatag din ang kanilang kampanya sa Final Four kung saan kasalukuyang hawak nila ang segunda posisyon, habang nalasap naman ng Falcons ang 4-5 kartada.
Tapos na ang laban, ngunit nagkaroon pa nang mainitang pagha-harap sina AdU mentor Luigi Trillo at ADMU coach Joel Banal, maging ang players nilang sina Mark Abadia at Wesley Gonzales.