SEABA Championship: RP-Cebuana vs Thailand

KUALA LUMPUR -- Sisimulan ng Philippines-Cebuana Lhuillier ang kampanya ng pagdedepensa ng kanilang Southeast Asian Basketball crown kontra sa Thailand sa opening match na nakatakda sa kinagabihan ng Martes.

Bagamat apat na koponan lamang ang maglalaban-laban sa tournament na ito na magsisilbing preview na ng Southeast Asian Games sa December, kinukunsiderang magtatampok ito sa mga mahuhusay na manlalaro sa regions gaya ng Philippines, Vietnam, Thailand at host Malaysia.

Ang nasabing tournament ay isang single-round robin kung saan ang koponan na may magandang record ang siyang awtomatikong magsusubi ng korona.

Nagkaroon lamang ang RP team na bitbitin ang pangalang Cebuana Lhuillier at suportado ng Malaysia Airlines ng mabilis na ensayo sa Malaysia Amateur Basketball Association gym noong umaga ng Martes upang makagamayan ang court.

Para kay coach Aric del Rosario, ang Malaysia ang siyang tinik na kalaban hindi ang Thais sa tourney na ito na nakataya ang dalawang slots para sa Asian Basketball Confederation championships para sa top two finishers.

Show comments