Unseeded netter kampeon sa boys' 14-U Adidas netfest

Ginulantang ng unseeded na si Marvin Serito ng San Beda College ang top pick na si Gerard Ngo, 6-2, 6-0 upang ibulsa ang boys’ 14-under division ng inulan na Adidas Tennis Challenge 2003 nitong weekend sa Philam Homes Tennis Club.

Pinayukod naman ni Jose Lorenzo Ferrer ang No. 2 na si Kyle Cordero, 7-5, 6-3 upang isubi ang unisex 10-under bracket at kasama si Serito na nakakumpleto ng kanilang laban bago bumuhos ang malakas na ulan na siyang naging dahilan upang kanselahin ang iba pang nalalabing championship match sa Adidas netfest na ito na inorganisa ng CTW na may suporta mula sa Milo at Wilson balls at sanctioned ng Philta.

Idineklarang co-champions sina Kim Saraza at Joseph Baldonado sa boys’ 12-under; Nestor Celestino at Kyle Dandan sa boys’ 16-under; Irwin de Guz-man at Emerson Ocampo sa junior men’s 21-under; Sarah Jane Lim at Zhane Quitara sa girls’ 12-under; Jessica Agra at Julie Em Botor sa girls’ 14-under; habang nanalo si Ivy de Castro ng dalawang titulo.

Show comments