Tinawid ni Corpuz ang finish line sa tiyempong isang oras, walong minuto at 12 segundo na tumabon sa isinumiteng isang oras ni Antoque, winner ng siyam na yugto at isang national title dito na 1:09:11.
Ang panalo ni Corpuz ang nagdala sa kanya para sa national finals sa Metro Manila sa Oct. 19 kasama ang top three finishers sa womens division kung saan siya ay tumapos ng ikalimang posisyon sa nakaraang taong 42K finals.
Idinagdag pa ni Corpuz na siya ay sasailalim sa mabigat na training sa susunod na dalawang buwan bilang preparasyon sa finals ng annual marathon na ito na ginaganap sa pakikipag-partnership sa Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Department of Tourism, MyGlobe at Power-bar.
Sa distaff side, ipinamalas muli ng defending champion na si Hazel Madamba ng Philippine Navy ang kanyang supremidad nang iposte ang kanyang back-to-back na panalo sa tiyempong 1:24:22.
Si Norma Maranion ang siyang kumuha ng ikatlong puwesto sa kanyang oras na 1:48:42.