Ang naturang event ay sanctioned ng Basketball Association of the Philippines (BAP) ang siyang pinaka-prestihiyosong tournament na inorganisa ng NBL sa kanilang ikalawang taon.
Ang tournament na ito ang magiging preparation ng RP Nationals na hahawakan ni coach Aric del Rosario sa kanilang kampanya sa ABC Mens Championship at Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre kung saan haharapin nila ang mga national teams mula sa Qatar, Jordan at Chinese Taipei.
Ang ikaapat na koponan ay ang Satria Muda Britama na siyang sumungkit ng runner-up finish sa Indonesian Basketball League (IBL) na hahawakan ni dating RP coach na si Nat Canson.
Ang Qatar ay babanderahan ng six-foot-8 na si Yaseen Ismail Mahmoud na tinaguriang The Dunker from Doha nang kanyang trangkuhan ang koponan sa 2002 ABC champions Cup sa Malaysia.
Ipaparada naman ng Jordan ang kanilang 69 center-forward na si Zaid Alkhas na maaalala sa kanyang pagpukol ng puntos na siyang nagpatalsik sa Philippines mula sa title race sa 1994 Asian junior Championship.
Ang Taiwanese ay babanderahan naman ng 68 guard na si Tien Lei, 611 slotman Wu Dai Hao at television actor Yen Hsing Su ng My MVP Valentine Chinovela.
Kakampanya naman sa local ang NBL All-Stars North at NBL All-Stars South. Inimbitahan din ang San Miguel All-Stars na binubuo ng mga dating PBA superstars na gigiyahan naman ni coach Eric Altamirano.