Milo Checkmate sa Marikina at Sucat

Isang special Milo Checkmate weekend clinic sa kooperasyon ng Riverbank Development Corporation at Chowking-Evacom ang gaganapin sa Marikina at Sucat Paraña-que simula ngayong Sabado, August 16-September 28.

Ang nasabing pag-aaral sa Marikina ay gaganapin sa Riverbank Mall’s furniture area mula alas-10:30-2p.m. o 2:30-6:p.m. tuwing araw ng Sabado at Linggo. Ang pag-aaral sa Sucat ay magsisimula sa Aug. 23 at ito ay idaraos naman tuwing Sabado lamang mula alas-8:45-11:45 am sa 2nd Flr., ng Chowking-Evacom Branch sa Parañaque.

Bukas sa mga batang chessers na may edad lima pataas, ang mga kursong pag-aaralan ay ang preparatory at begginers lamang.

Ang clinic na ito ay magsisilbi ring preparasyon para sa series ng qualifying selection tournament para sa mga miyembro ng 2004-US bound Checkmate team.

Ang sinumang interesadong partido ay mag-enroll lamang sa venue site bago magsimula ang clinic o kaya ay tumawag sa Checkmate Phils., at Metropolitan Chess Club sa 826-8560 at 0916-852-1069.

Show comments