Nagbida si Boyet Bautista sa panalong ito na siyang umiskor ng huling limang free-throws para sa ikaanim na panalo ng CSJL Knights sa walong pakikipaglaban.
Ang panalong ito ang nagbigay sa Letran ng karapatang saluhan muli ang walang larong San Beda College sa liderato habang ipinalasap naman nila sa UPHR Altas ang ikaanim na sunod na kabiguan.
Bumawi si Bautista sa kanyang tatlong sunod na split shots na naging sanhi ng alanganing sitwasyon ng Knights nang pareho nitong ipasok ang kanyang dalawang bonus shot mula sa quick foul ni Wayne Santos.
Ito ang nagkaloob sa Letran ng kampanteng apat na puntos na kalamangan na naging final score, pitong segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Abante pa ang Perpetual sa 49-42 sa kaagahan ng labanan ngunit isang mainit na 13-0 run ang pinakawalan nina Ronjay Enrile, Chris-topher Reyes at Jonathan Pinera upang kunin ng Altas ang 55-49 kalamangan, patungo sa huling 2:31 oras ng labanan.
Sa juniors division, nagtagumpay din ang junior counterparts ng Letran na Squires laban sa UPHR Altalletes, 89-61. (Ulat ni CVOchoa)