Ano ang kulang sa PBA

Nung Linggo, sa pagbubukas nung Invitationals ng PBA, kaya raw walang tao sa coliseum eh dahil sa may rebellion sa Makati. May tensyon daw kaya ang mga tao ay hindi nanood.

Hindi kami naniniwala sa dahilang yan.

Ang paniwala namin, walang interes ang mga basketball fans sa Invitationals dahil sa ang mga foreign teams na inimbita nila eh mahihina ang kalidad at hindi pag-aksayahan ng panahon ng mga mahihilig sa basketball. They know when they see a strong team. Alam nila kung ano ang team na dapat panoorin.

Ano ang nangyari nung Miyerkules?

Wala namang rebellion at wala namang gulo sa Makati pero hayun, nilangaw pa rin ang coliseum. Tapos, talo pa yung dalawang foreign teams.

Sayang lang ang perang ginagastos ng PBA dyan sa mga foreign teams na yan na inimbita. Naka-hotel pa yan at naka-coaster pa yang mga yan, may security pa yan at kung anu-ano pa.

Tapos, wala lang palang manonood. Ni hindi nga yan pinag-uusapan ng mga basketball fans.

Tsk-tsk-tsk...

What's happening to the PBA?
* * *
Ano ang punto namin sa issue na ito?

My point is--the PBA must be saved! The PBA should be saved!

Ano ba ang mga recent moves ng mga taga-PBA?

Forgive me, please, I love the PBA but look what's happening to the PBA? They need more people who would think of better things for the PBA and who do better things for the league.

Hindi yang ganyang puro walang kuwentang moves ang ginagawa nila.

Otherwise, babagsak lang ng babagsak ang PBA.

How would you expect the advertisers to come in to the PBA kapag ganyang kitang-kita ng dalawang mata nila na nilalangaw ang mga laro at puwede ka nang humiga, mag-bisikleta, mag-ballet sa loob ng coliseum?

How would you expect the advertisers to come in kapag alam nilang kahit na anong hype pa ang gawin nila, the ratings continue to remain at one-digit. Ibig sabihin, hindi man lang sila maka-10%. At para sa mga advertisers, kung ang programa ay hindi man lang maka-one digit, mag-iisip muna sila ng isang daang beses bago sila pumasok. Eh pag walang advertisers, sino ang kawawa--eh di ba ang may hawak ng franchise ng PBA?

Ilang daang milyong piso ba ang nalugi kay Vic del Rosario nung hawak niya ang franchise ng PBA sa loob ng tatlong taon? Ilang daang milyon ba ang nawala sa kanya dahil wala na ngang puma-pasok na advertisers sa PBA?

The point here is--- the PBA people should be able to think of better things for the PBA before it is too late to save.

Hindi yang ganyang nag-iimbita ka ng foreign team na kamakailan lang, naging runner-up lang pala sa St. Francis of Assisi team (na isang college team lang) sa isang invitational tournament. Di ba nila naisip na kung sa St. Francis lang eh hindi yan nakalusot, ano ang gagawin niyan sa PBA?

Susmaryosep, esep-esep naman tayo dyan!!!

Show comments