Naglabas ang Baby Phone Pals ng mahusay na depensa sa huling bahagi ng sagupaan upang ipuwersa ang tambalang Jayford Rodriguez at Jun-Jun Lasala na magkamit ng krusiyal na error na siya nilang tinuntungan upang iposte ang isang puntos na panalo sa isang linggong cagefest na ito na para lamang sa mga manlalaro na may edad 18 pababa at may taas na anim na pulgada pataas.
Limang manlalaro ng TNT ang dumepensa sa University of San Jose-Recoletos na nalimitahan si Lasala kung kayat napilitan ang Visayas team na umasa sa mga balikat ni Rodriguez na siyang naging top scorer sa kanyang tinapos na 30 puntos.
Ngunit si Rodriguez, ang hinirang na Cebu Athletic Foundation Rookie of the Year ang siyang humukay ng libingan ng Phone Pals nang magmintis ang sanay nagpanalong freethrow para sa John-O, kung naipasok niya ito dikit lamang ang iskor sa 70-71 matapos ang tres ni Reynante Lapiz sa huling 26 segundo.
Samantala, naglabas ng impresibong laro si Cassidy Shun upang ihatid ang Samsung sa kanilang unang panalo sa bisa ng 69-61 tagumpay kontra sa wala pa ring panalong Timex.
Makaraan ang Cebu leg, ang Six-Footers league na inilunsad ni Air21 Chairman Bert Lina ay planong tumungo sa Mindanao.
Ang champions at runner-up sa bawat Luzon, Visayas at Mindao legs ang siyang maglalaban-laban sa Grand Finals.