UAAP di payag na makalaro ang mga players sa RP team

Iginiit ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Board na hindi pa rin nila papayagang maglaro ang kanilang mga players na bahagi ng RP Team sa kasalukuyang Samsung Invitational Championships ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos umapela si Commissioner Noli Eala.

Ayon sa liham ng president ng UAAP na si Jose Capistrano, Jr. kay Eala na ang pangako lamang ng Board sa Basketball Association of the Philippines (BAP) ay ipahiram ang kanilang players para sa Asian Basketball Association at Southeast Asian Games.

Nagbago na ang isipan ng UAAP Board na pagpartisipahin ang kani-lang mga players sa ABC dahil sa pagbabago ng schedule ng naturang torneo.

"The new dates of the ABC are now in conflict with our own schedule for the Final Four and Cham-pionship Round which is from September 18 to October 4," ani Capistrano.

"And because we could no longer move our schedule due to the first semester final exams which start on the second week of October, the Board decided that the UAAP players should no longer join the ABC tournament, but just concen- trate on the SEA Games in December when there will be no conflict at all," dagdag pa ni Capistrano.

Ayon kay Capistrano, dahil di na makakalaro ang mga UAAP players sa ABC, wala nang dahilan pa para maglaro ang mga ito sa PBA Asian Invitationals.

Nagbigay ng apat na dahilan ang UAAP kung bakit di nila maaaring payagan ang mga players.

Una ay tatlong araw na lamang ang nalalabi bago magbukas ang PBA Invitational nang malaman nilang 12 na UAAP players ang kasama sa RP na suportado ng Cebuana Lhuillier.

Ikalawa’y, di bababa sa dalawang laro kada-linggo ang schedule ng mga players kaya kailangan nilang mag-practice sa kanilang school teams araw-araw at mahihirapan na silang mag-practice at maglaro sa Invitational.

Kung magkakagayo’y kaunti na lamang ang kanilang pahinga at ma-lapit sa injury ang players at ang pinakahuli’y may mga klase rin ang mga naturang players at kailangan din nilang mag-aral.

May 12 players na kasama sa 23-man national pool sa ilalim ni coach Aric del Rosario at hiniling ni Eala na ipahiram kahit apat lang na manlalaro para sa RP team na kasali sa Invitationals.

Samantala, sisikapin naman ng De La Salle University na mapahigpit ang kanilang kapit sa pangkalahatang pamumuno habang ipagpatu-loy ang pagbangon ang pakay naman ng defending champion Ateneo de Manila University.

Makakaharap ng La Salle ang Far Eastern University sa alas-4:00 ng hapon habang ang Adamson University naman ang makakalaban ng Ateneo Blu Eagles sa alas-2:00.

Taglay ng Archers ang 3-0 record sa liderato kasunod ang FEU Tama-raws na may 3-1 kartada habang ang Ateneo naman ay umahon na sa 2-2 kartada matapos mabigo sa dalawang laro.

Sa juniors division, bubuksan ng Ateneo Blue Eaglets at Adamson Baby Falcons ang aksiyon sa alas-11:00 ng umaga habang ang De La Salle Zobel at NU Bullpups naman ang magsasagupa sa alas-6:00 ng gabi.

Show comments