PBA Invitational Cup lalarga ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Bas-ketball Association, magkakaroon ng opening ceremonies para sa pagbubukas ng ikalawang kumperensiya na Samsung-PBA Invitational Championships sa Cune-ta Astrodome.

Ang programa ay magsisimula sa alas-4:00 ng hapon kung saan pa-parada ang anim na nag-qualify na local teams, ang tatlong bisitang koponan at ang RP Team.

Bubuksan ng San Miguel at RP Team ang kumperensiya sa kanilang alas-4:00 ng hapong sagupaan at isusunod ang engkwentro ng Red Bull Barako at Yonsei University-Korea sa alas-6:30 ng gabi.

Nagkaroon ng mini press conference para sa South Korean team na kinatawan ng Yonsei University at ang Novi Sad Yugoslavia na duma-ting sa bansa noong Biyernes.

Ang Magnolia Jilin team mula sa China ay inaasahang dumating kahapon.

Sa naturang opening ceremonies kung saan magbibigay ng entertain-ment ang University of the Philippines dancers, aawitin ang mga national anthems ng mga foreign teams.

Ang Philippine National anthem ay aawitin ni South Border lead vocalists Luke Mejares.

Inaasahang hahataw ang mga local teams na Red Bull, FedEx, Talk N Text, San Miguel Coca-Cola at Alaska para pigilan ang mga guest teams na mag-uwi ng $20,000 na itinaya ng PBA para sa magtsa-champion na foreign teams.

Hinati sa dalawang grupo ang 10 teams at ang top two teams pagka-tapos ng single round elimination ay uusad sa knock-out semifinals kung saan ang mga winning teams ay maglalaban sa best-of-three finals.

Didiskubrehin ng Red Bull ang lakas ng Yonsei-Korea na babanderahan ng apat na national youth team members. (Ulat ni CVO)

Show comments