Nauna rito, pinatalsik ni Hohmann si Francisco Django Bustamante sa mapait na 11-10 iskor na ikinasawi ng pool crazy Pinoy na masaksihan ang muling pagtatagpo nina Bustamante at Earl Strick-land sa semis.
Maagang sinimulan ni Hohmann ang pananalasa nang agad kunin ang bentahe sa 6-2 ngunit nakabangon si Pagulayan at ilapit ang iskor sa 6-5.
Ang tagumpay ni Hohmann ay nagkakahalaga ng $65,000 ang nakatayang pangunahing premyo at $30,000 kay Pagulayan.