Humatak rin si Gonzales ng tig-apat na rebounds, assists at block upang tabunan ang pagkawala ng key player ng Cardinals na si Ryan Malig na hindi naasahan ng Intramuros-based ca-gers dahil sa pagkakaroon nito ng lagnat.
Bagamat binalikat ni Gonzales ang opensa ng Cardinals, umagaw rin ng eksena sina Jeffrey Martin at Nathaniel Cruz sa kaagahan ng laro nang magpakitang gilas ang dalawang ito at palakasin ang kampanya ng MIT sa susunod na round na nasa ikalawang puwesto.
Sa ikalawang laro, gaya ng dapat asahan, muling ginamit ng San Beda College ang kanilang bilis upang tapusin ang paghahabol ng de-fending champion San Sebastian College at kanila itong yanigin sa bisa ng 80-69.
Ang panalo ng Mendiola-based dribblers ay naghatid rin sa kanila sa pakikisalo sa ikalawang puwesto matapos na iposte ang 4-2 win loss record sa likod ng lider na Jose Rizal U.
Sa junior division, pinarisan ng MIT Red Robins ang tagumpay ng kanilang senior counterpart nang kanilang igupo ang La Salle-Greenhills, 68-57.
Nagtagumpay rin ang Red Cubs sa SSC-Staglets nang kanila itong silatin sa iskor na 80-69. (Ulat ni Maribeth Repizo)