Mga katagang Thank You Very Much

‘Thank you very much sa write-up mo sa akin."

Yan ang text message sa amin ni Jojo Manalo ng Talk N Text ma-tapos namin siyang maisulat sa nakaraang kolum namin dito sa Pilipino Star Ngayon nung isang araw.

Kakaunti ang katulad ni Jojo na marunong magpasalamat kahit maisulat mo man siya ng mahaba o maiksi. Kakaunti sa mga players ang ganyang marunong magpasalamat ano.

Kapuri-puri ang ganyang tao.
* * *
Ang PBA ba marunong magpasalamat sa mga ganitong pagkakataon?

Susmarya, isang malaking hindi!

At least I can speak for myself. Hindi ko alam sa iba.

May mga iba pa akong kolum bukod sa Pilipino Star na madalas ang isinusulat ko ay ang bagay-bagay at happenings sa PBA.

Ginagawa ko yan dahil mahal ko ang PBA.

Nag-uumpisa pa lang kaming magsulat twenty years ago, kinagisnan na namin ang PBA.

Marami na kaming naging kaibigan dahil sa PBA.

I’ve seen the worst and the best of the PBA. I myself have been through some best and worst time, yet, kahit kailan, hindi namin kinalimutan ang PBA sa lahat ng isinusulat namin.

Pero mayroon ba diyan sa mga taga-PBA na marunong man lamang magpa-thank you sa volumes and volumes na naisulat mo tungkol sa kanila?

Wala po.

Ni sa araw ng Pasko, ni hindi man lang yan sila makapagpadala sa yo ng kalendaryo. O kahit na ano to show na marunong silang mag-appreciate.

Buti pa nung panahon ni Mang Benjie (under Comm. Jun Bernar-dino). Ang Mang Benjie pa ang tumatawag sa yo para ipakuha ang anumang pasasalamat ng PBA. Maliit man o malaki, may halaga man o wala, ang importante, marunong silang magpahalaga even in their own small way.

Mabuti pa nung panahon ni Bobong Velez na kahit di mo inaasahan, may matatanggap kang kahit na anong munting Christmas gift just tell you he remembered.

But should that stop us from writing about the PBA and its players.

Hinding-hindi po.
* * *
Yang si Comm. Noli Eala, nung naga-aspire pa lang siya sa posisyon niyang hawak na niya ngayon, marunong yang mag-text o kaya’y makipag-usap sa amin sa telepono kahit isang oras just to tell us about his plans for the PBA.

Ngayon?

Show comments