Tinalo ni Cruz si Michael Velo, 5-1 habang ginapi naman ni Ditan si Pamela Cababasay, 5-3 sa senior mens and womens finals.
Ang iba pang nakatakdang finals kahapon ay ang laban ni Lorraine Catalan vs Daleen Cordero, fly-weight; Jasmin Strachan vs Sally Simbulan, ban-tamweight; Susan Abayan vs Ma. Antoinette Rivero, feather; Ria Cruz vs Veronica Domingo, light; Ma. Criselda Roxas vs Josephine Strachan, welter; at Margarita Bonifacio vs Sally Solis, middle sa senior women.
Habang sa senior mens naman ay ang laban nina Danrey Velo vs Raymart Aringo, flyweight; JR Rivero vs Gerald Gregorio, bantam; Ernesto Mendoza vs Jefferthom Go, feather; Donald Geisler vs Dennis Sambo, light; Ryannel Gelangarin vs Alexander Briones, welter at Dax Morfe vs Dindo Simpao.
Tinalo ni Cordero si Diorlyn Papelera, 8-4 at isaayos ang title showdown kontra kay Catalan na nanaig kay Mia Pacanot, 4-2.
Dinaig naman ni Olympian Jasmin Strachan si Heraldin Quesada, 3-1 habang binugbog ni Sabrina Simbulan si Vanessa Dizon, 5-0 sa bantamweight semis.
Ang pinakabata at promising lady jin na si Ma. Antoinette Rivero ay awtomatikong nakakuha ng final slot kontra kay Abaya sa featherweight category habang ang veteran international jin na si Domingo ay namayani kay Bernadette Velo, 10-4 para makipag-agawan ng gold kay Ria Cruz.
Apat na miyembro ng national pool sina Roxas, Josephine Strachan, Bonifacio at Solis ang magtatagpo sa welter at middleweight finals.