Nagsakripisyo ang 19-anyos child prodigy at dati ring 1997 World Under-14 Rapid chess champion sa nasabing ring siyudad, hawak ang mga itim na piyesa sa kalagitnaan ng laro upang manumbalik ang aktibong paglalaro at bentaheng posisyon na nagresulta ng kanyang ikalimang panalo at ikalawang sunod.
"Nag sacrifice ako ng rook sa bishop niya pero ang katumbas po ay active play plus mate counter pa ako, bali may dalawang bishop ako, may limang piyon kontra kay Thal na rook, bishop at dalawang piyon, actually, pumasok po sa pre-pared line po namin ni Kuya Joseph kasi opening ko din po iyong ginamit niya," wika ng back-to-back 2002-03 Philippine Junior champion.
Taglay na ngayon ng Asian 3.2a Zonal runner-up ang limang panalo, 1 draw at isang talo para sa kabuuang 5.5 puntos sa ikapitong rounds at nakisosyo sa pakikipagtabla sa 2nd-3rd places sa dating Russian Junior champion Grandmaster Andrei Scchekachev (ELO 2550).
Ayon kay Paragua, kailangan pa niyang manalo sa tatlong GM sa huling tatlong round upang makamit ang posibleng ikalawang GM result o norms at umiskor ng 2.5/3.