Kumana si Menk ng 14-puntos sa unang quarter na naglagay sa Gin Kings sa 26-18 kalamangan habang si Mark Caguioa naman ang bumandera sa ikalawang quarter na nagsulong sa Ginebra sa mas malaking kalamangan sa 57-34 sa half-time.
Tinuluy-tuloy pa rin ng Ginebra ang kanilang opensiba sa ikatlong quarter at sa pagtatapos ng yugtong ito ay halos sigurado na ang kanilang tagumpay matapos itarak ang magarbong 33-puntos na kalamangan, 88-55.
Ito ang unang panalo ng Ginebra sa single round tournament na ito na kukumpleto ng cast ng 2nd conference Asian Invitationals.
Ang panalo ay nag-bigay sa Gin Kings ng pag-asang makasama sa mga early qualifiers na San Miguel, Red Bull, Talk N Text, FedEx at Coca-Cola Tigers.
Bunga ng kabiguang ito na ikalawang sunod ng Purefoods, sibak na sila sa kontensiyon dahil ang pinakamaganda nilang pagtatapos ay 2-2 record. Ang posibleng record ng top team sa mini tournament na ito ay 4-0 o 3-1 kartada.
Bukod sa 5 teams na nag-qualify kasama din ang mga teams mula sa China, South Korea, Yu-goslavia at RP team na naghahanda para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Disyembre.