Ito ang senaryo sa Game-Four ng Samsung-PBA All-Filipino Cup Finals sa Araneta Coliseum ngayong gabi.
Nakatakda ang sagupaang Coke at Talk N Text sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng engkuwentro ng Alaska at Shell sa alas-5:00 ng hapon para sa Mabuhay Cup.
Nakaisa ang Phone Pals sa best-of-seven championship series ma-tapos ang impresibong 67-59 panalo noong Ling-go gayunpaman, nakalalamang pa rin sa serye ang Tigers dahil sa kanilang panalo sa unang dalawang laro ng serye.
Umaasa si coach Joel Banal na muling ipapamalas ng kanyang mga players ang larong kanilang ipinakita sa Game- Three kung saan nalimitahan nila ng husto ang Tigers.
"I hope we can keep up the aggressiveness just like what we have shown in Game-Three," pahayag ni Banal. "But Im sure Coca-Cola will make a strong come back."
Dismayado si Coca-Cola coach Chot Reyes sa kanilang nakaraang pagkatalo kaya naman tiyak na pinaghandaan nila ng husto ang kanilang laban ngayon.
"Good thing we have a couple days rest," pahayag ni Reyes. "Hopefully we can come back tonight."
Hangad ng Shell na makubra ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Mabuhay Cup para sa karera ng huling slot sa 2nd Conference Asian Invitationals.
Nanalo ang Turbo Chargers sa Purefoods, 82-73. (Ulat ni CVOchoa)