At ikonsidera ang hatol sa dalawang koponan ngayon.
Naiwanan ang Talk N Text ng isang laro, ngunit binalewala ng Phone Pals ang kanilang kabiguan sa Game-One at Game-Two. Sa kabilang dako nalasap naman ng Coca-Cola ang kanilang kauna-unahang kabiguan sa huling limang laro sa kumperensiya ngunit nag-iinit na maibalik ang kanilang winning ways kaa-gad.
Matapos ang Game-Three noong Linggo, ang linya sa pagitan ng dalawang teams ay muling iginuhit, at muling panimulan ang kanilang best-of-seven playoff sa panibagong serye.
"Im not really losing hope and our Game-Three win only strenghtened my faith," ani coach Joel Banal nang pabagsakin ng Phone Pals ang Tigers, 67-59 at makaiwas na mahulog ang koponan sa balon na sa kasaysayan ng liga o kahit anong pro league sa daigdig, ay wala pang nakakaligtas.
At nais pa rin ni Banal na isa-isip ng kanyang mga players na lubog pa rin sila sa 1-2 sa serye.
Para sa record -- dalawang teams lamang ang nakabawi mula sa 0-2 deficit at nagwagi ng best-of-seven PBA title playoff. Una ang Toyota kontra sa San Miguel Beer noong 1982 Reinforced Conference at ang Purefoods na dinuplika ito noong nakaraang taon sa Governors Cup kontra sa Alaska Milk.
"I hope the boys realize were still down. We need to stay aggressive if were to make it two in a row in Game-Four," tanging hiling ni Banal.