Ito ang ang kanilang pakay sa Game-Three kontra sa Talk N Text Phone Pals sa alas-6:30 ng gabi sa pagpapatuloy ng kanilang championship series ngayon sa Araneta Coliseum.
Mataas ang morale ng Tigers patungo sa labang ito dahil sa taglay na 2-0 bentahe sa best-of-seven titular showdown.
Nabaon sa serye ang Phone Pals dahil sa kanilang mahinang freethrow shooting.
"Thats been our problem from Day One, our freethrows," ani Talk N Text coach Joel Banal. "Hopefully, because of our situation, we can find the will to help us make our freethrows."
Nagmintis ang Phone Pals ng 20-freethrows na nagkaloob sa Coca-Cola ng 92-89 panalo sa Game-Two noong Biyernes ng gabi.
Kahit 20% lamang ang naipasok nila sa mga nasayang na freethrows na ito, nakatabla na sana ang Phone Pals sa serye.
Bagamat lamang na sa serye ang Tigers, ayaw maging kumpiyansa ni coach Chot Reyes.
"When youre two-and-oh, it only means you are off to a good start. It wont mean anything if we cant (finish)," aniya.
Tiniyak naman ni Banal na babawi sila ngayon. "Our goal is to im-prove. We lost big in Game-One and we lost a close one in Game-Two. Hopefully, we can improve enough to win," wika niya.
Bagamat naging epektibo si Paul Asi Taulava na umiskor ng 40 puntos, kulang naman siya sa suporta.
Bukod sa pag-step-up ng iba pang Phone Pals, kailangan din nilang problemahin si Rob Wainwright na naging bida sa nakaraang panalo ng Coca-Cola.
"I dont think we could have pull through with this win without Rob," ani Reyes. "He has really come into his own. Im proud of the way he played because he really takes a lot of abuse from me in practice but he has never complained. He works hard and his efforts are starting to bear fruit."
Sa unang laro, magsasagupa naman ang Ginebra at Sta. Lucia sa alas-4:00 ng hapon bilang bahagi ng Mabuhay Cup kung saan nakataya ang huling slot sa 2nd conference Asian Invitationals para sa top team ng single round mini tournament na ito. (Ulat ni CVOchoa)