At malaki ang posibilidad kung pagbibigyan ng Philippine Basketball Association ang kahilingan ng United States Basketball League (USBL), kung saan si Dawkins ang coach, na lumahok sa PBA Asian Invitationals sa Hulyo.
Ayon kay Sam Unerra, team manager ng USBL champion team Pennsylvania Dawgs, kapag nabigyan ng tsansang makalaro sa PBA Invitationals tournament, bubuo sila ng 65 and below selection para mabigyan ang PBA teams at ibang Asian teams ng tamang antas ng paglalaro.
"I think it will be a huge attraction for Filipino fans Dawkins coaching the Dawgs and many star players of the USBL coming here to strut their stuff," ani Unera, na nagsabing naipadala na nila ang kanilang kahilingan kay PBA Commmissioner Noli Eala.
"Dawkins is definitely excited to have his team play in the Philippines. He knows a lot about the PBA, which is one of best leagues outside the US and Europe."
Ang USBL selection ay pangungunahan ng kamador na import ng FedEx na si Jermaine Walker na isa sa pangunahing scorer sa USBL.
Kabibilangan din ito ng mga papasikat na sina Kareem Reid, Tim Winn, Quincy Wadley, Ronnie Fields, Mustapha Hoff, Darrin Hancock, Immanuel McElroy, Albert Moring at Willie Chandler. Dalawang dating PBA stars na sina Pido Jarencio at Bong Alvarez ang idadagdag para mabigyan ng local flavor ang USBL team.
Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Talk 'N Text at Alaska para sa nalalabing slot sa finals.