On-Cue Europe vs Philippines

Bubuksan nina Warren Kiamco at Efren ‘Bata’ Reyes ang kampanya ng bansa kontra kina Ralf Souquet ng Germany at Swede Marcus Chamat, ayon sa pagkakasunod sa panimula ng On-Cue! Europe vs Philippines 9 Ball tournament sa July 2 sa The Loop Center sa ABS-CBN compound sa Quezon City.

Si Kiamco, ranked No. 10 sa World Pool Association rankings ay makakaharap si Souquet sa alas-6 ng gabi.

Sa kabilang dako naman, si Reyes, nagbigay sa bansa ng karangalan nang mapagwagian ang World Pool Championship crown sa Cardiff, Wales noong 1999 ay makikipagpalitan ng tako kay Chamat sa alas-7 ng gabi.

Ito ay agad na susundan ng laban nina Antonio Lining, SEA Games gold medalists kontra kay Mika Immonen sa alas-8 ng gabi at makikipagtagisan ng talento si Francisco ‘Django’ Bustamante kay reigning Finland Open titlists Niels Feijin ng Netherland sa alas-9 ng gabi.

Show comments