361 atleta inaprubahan na ng POC para Vietnam SEA Games

Inaprubahan kahapon ng Philippine Olympic Committee ang bilang na 361 atleta na lalahok sa 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre.

Ito ang napagkasunduan ng POC Technical Commission na nagpu-long kahapon sa WPF Boardroom ng PCSM Bldg., RMSC.

Hindi pa kasama ang bilang ng atletang lalahok sa Athletics kung saan hindi pa nakakapagsumite ng lineup ang Philippine Amateur Track and Field Association.

Samantala, may 91 atleta pa ang nakabitin at kailangan pang maka-pagpatunay ng kanilang paglahok sa SEA Games.

"We are not sending tourists to the Southeast Asian Games (in Viet-nam). We have picked the athletes based on the criteria we have set," ani Steve Hontiveros, chairman ng POC Technical Committee.

Ang mga criteria ng POC para mapabilang ang atleta sa RP delega-tion ay kailangang gold o silver medalists sa SEA Games, top 8 sa Asian Games, top 15 sa world championships at ang may mga outstanding records sa iba’t ibang national at international competitions.

"We have made honest-to-goodness choices, according to our best judgment. We believe we are sending the best Filipino athletes, who are well-trained and ready to win honor for the country," anaman ni Julian Camacho, ang chef de mission sa Vietnam SEAG.

Ang Philippines ay sasali sa 28 sports event sa Vietnam, kasama na ang mga wala sa listahan ng KL SEAG na chess, bodybuilding at wrestling.

Wala ring entry ang bansa sa handball, fin-swimming, petanque at shuttlecock.

Binigyan ng Technical Committee ang mga NSAs ng hanggang July 2 para bigyan ng justification ang kanilang atleta para makasama sa SEA Games at huling araw din sa pagsusumite ng PATAFA ng kanilang lineup. (Ulat ni DM Villena)

Show comments