Dableo nanilat sa Asian Zonals

Isang impresibong performance ang itinala ni Ronald Dableo nang sorpresang silatin nito ang top seed na si Wu Shaobin sa Asian Zonals sa First Hotel sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Hindi lamang inilaglag ng 24 anyos na si Dableo, 18th seed sa torneo, ang Singaporean sa 7th place higit dito, nakakuha ito ng pagkakataon na makasosyo ang kababayang si Mark Paragua matapos ang apat na rounds ng 9-round event para sa Zone 3.2a na inorganisa ng Vietnam Chess Federation, sa pamamagitan ng 38-move ng King’s Indian Attack.

At sa kanyang 3.5 output, nakasama niya sa liderato si Paragua na nakipagkasundo sa kababayang si GM Joey Antonio sa 15-move sa duwelo ng mga lider.

Si Antonio, 3rd seed dito, ay may 3 points kasama sina Pham Minh Hoang at Irwanto Sadikin na nanaig sa kanilang mga kalaban habang naikamada naman ni GM Eugene Torre ang kanyang ikalawang draw nang tanggapin ni Sitanggang Salor ang kanilang Queen’s Gambit game.

Sa kababaihan, yumuko naman si Arianne Caoili sa local bet na si Le Bui Kim at malaglag sa ika-10th place.

Show comments