Ayon sa mapagkakatiwalaang source, kapag hindi itinuloy ng Spring Cooking Oil ang kanilang paglahok sa ABC Champions Cup, kinokunsidera ang Lamoiyan franchise na pag-aari ni Cecilio K. Pedro na kumatawan sa bansa sa prestihiyosong event na ito.
At hindi na bago ito kay Baculi ang mga prestihiyosong torneo na tulad nito dahil minsan ay naging back-to-back champion ito sa ABC Champions Cup noong kalagitnaan ng 1990.
Ang una ay noong 1995 hawak ang Andoks PBL All-Stars Selection na nagkampeon makaraang igupo ang Korea sa Kuala Lumpur at ikalawa naman ay ng sumunod na taon na inihost ng ating bansa at kinatawan naman ang Hapee Toothpaste.
"Were always ready to serve national interest. Its always an honor to represent the country in such prestigious interna-tional competitions," ani Baculi sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila Pavi-lion na itinataguyod ng Red Bull, McDonalds Agfa Color at Pioneer Insurance.
"Siguro ang pag-uusapan na lang, yung budget," ani Hapee team manager Bernard Yang na kasama ni Baculi sa Forum kasama ang mga key players nilang sina Peter June Simon, Rich Alvarez, Joel Dualan, Christian Luanzon, Ryan Dy at Francis Mercado.
Dumalo din sa naturang forum ang pinarangalan ng PBL Press Corps bilang Best Coach of the Year na si Viva Mineral Water mentor Koy Banal, sa natatanging tagumpay na madala sa kampeonato ang bagu-hang team sa best-of-five championship series kontra sa Hapee sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup.