Ang Fil-Tongan na si Taulava ay may kabuuang 1,579 points matapos nitong pangunahan ang scoring at rebounding sa kanyang 19 games.
Si Taulava na di nakalaro sa unang dalawang games ng Talk N Text dahil nasuspindi ito makaraang bumagsak sa drug test, ay may average na 25.4 points at 16.1 rebounds.
Kasunod ni Taulava ay si Rudy Hatfield ng Coca-Cola at Kenneth Duremdes ng Sta. Lucia Realty na may 1,418 at 1,385 points ayon sa pagkakasunod.
Si Hatfield ay may 13.3 points average at 11.7 rebounds per game, 4.4 assists habang pumangalawa naman sa scoring si Duremdes na may 23.9 points per game, 9.5 rebounds at 3.7 assists per game.
Nasa ikaapat na puwesto naman si Nic Belasco ng San Miguel Beer na may 1,328 total points kasunod si Barangay Ginebra Gin King Eric Menk na nay 1303 points.
Kabilang sa top ten sina Jimmy Alapag ng Talk N Text (1,298), Jeffrey Cariaso ng Coca-Cola (1,292), Dennis Espino ng Sta. Lucia (1,282), Willie Miller ng Red Bull (1,266) at isa pang Realtor na si Marlou Aquino (1,220). (Ulat ni Carmela V. Ochoa)