Ang naturang tournament ay magsisimula ngayong araw na magwawakas sa June 21 kung saan ito ang magsisilbing matinding pag-subok ng Philippine Team na sasabak sa kanilang kaunaunahang tournament makaraang magbakasyon ng tatlong taon.
Ang kampanya ng bansa na babanderahan ng mga mahuhusay na manlalaro ng bansa na hinugot mula sa ibat-ibang colleges sa Metro Manila, ang koponan ay binubuo ng average height limit na 6-foot-3 at ang pinakamalaki ay 67, at tanging dalawang manlalaro lamang ang mababa sa anim na pulgada.
Ang dating national junior coach sa Korea na si Song Ho Young ang siyang mentor ng koponan na siya ring training director ng mens at womens team, habang ang dating national coach na si August Sta. Maria ang siyang head delegasyon.
Pangungunahan ng power-hitting pair na sina Oliver Balse, dating manlalaro ng UST at Rhovyl Verayo ng University of St. La Salle-Bacolod. Kabilang sa top six rotation ng koponan sina Dante Alinsunurin ng Adamson, Jeffrey Drio ng UST at Chizon Escosio ng San Carlos College sa Pangasinan.
Ang iba pang kalahok na bansa sa tatlong araw na tournament ay kinabibilangan ng defending champion Japan, Thailand, Malaysia, Indonesia at Vietnam.