Lhuillier sadsad sa MayniLA

MALOLOS CITY -- Agresibong performance ang ipinamalas ng MayniLA upang pasadsarin ang M. Lhuillier Kwarta Padala, 68-61 noong Linggo at agawin ang pangunguna sa National Basketball League (NBL) National Championship sa CEU Centrodome dito.

Isang 12-2 salvo sa fourth-quarter ang nagbigay sa Lhuillier ng 61-58 kalamangan, subalit pinangunahan ni Ralph Emerson Rivera ang pagbangon ng MayniLA sa kanyang triples at apat na free throws sa huling 3:30 upang ihatid ang kanyang koponan sa ikaapat na sunod na panalo.

Sa iba pang laro, ipinatikim naman ng Compak Shineway-Ozamiz ang ikalimang dikit na pagkatalo ng Spring Cooking Oil-Bulacan nang kanila itong gapiin sa iskor na 85-77.

Show comments