Isang kasong sexual harrassment ang isinampa ng isang 22-anyos na janitress laban kay Barredo, isang bulag kamakalawa sa Baguio City Prosecutors office sa nangyaring insidente kamakalawa sa Teachers Camp.
Ngunit ang nasabing akusasyon ay mariing itinanggi ng Commis-sioner at nagsabing hindi niya kilala ang isang Isabel na siyang naghain ng demanda.
Nakasaad sa demanda ni Isabel na naganap ang nasabing insidente noong Hunyo 8, bandang alas-8:45 ng umaga habang nililinis niya ang cottage na tinuluyan ni Barredo.
"I cannot comment on that right now kasi hindi ko pa alam yung complaint. May kinausap na akong tao to confirm that. Sigurado after that I will make a statement," wika ni Barredo kahapon.
Matatandaan na noong nakaraang Linggo ay nagpunta si Barredo sa Baguio City para sa isang sports for the disabled seminar.
"I dont know these people. I dont want to be judge by what I dont know. I will talk to my lawyer to answer for this complaint," ani pa Barredo.
Si Barredo ang ikaapat na opisyal ng naturang ahensiya ang inirekla-mo ng sexual harrassment.
Matatandaan na sa liderato ni dating PSC chairman Cecil Hechanova noong 1993, napilitang magbitiw sa kanyang tungkulin si Jun Castro bilang Commissioner matapos na ireklamo ng isang babaeng diver ng pang-momolestiya.
Ito ay sinundan ni dating PSC chairman Butch Tuazon na inireklamo naman ng isa niyang empleyada, na sinundan ni Executive director Dr. Lucrecio Calo.