Salip nang-agaw ng eksena

ZAMBOANGA -- Pinahanga ni Jimbo Salip ang mga manonood matapos na iposte ang kanyang 6-3, 6-3 panalo kontra sa kanyang Isabela, Basilan teammate na si Alkhady Jainul sa unisex 10-under division upang tabunan ang double-title na kinana ni Ruel Damian sa katatapos pa lamang na Milo Junior Tennis Cup & Regional Workshop noong Sabado dito sa Zamboanga City Lawn Tennis Association hardcourts.

Nakisosyo sa karangalan nina Salip at Jainul, protegee ni tennis patron at Basilan Gov. Wahab Akbar sina Lani Enriquez na nakaungos kay Noime Damian, 6-3, 7-5 upang ibulsa ang korona sa girls’ 14-under class at Orie Go na nagtala ng 6-1, 6-2 panalo laban naman kay Jessie Ong na nag-umit naman ng boys’14-under crown.

Tinalo ni Damian si Alex Hambre, 6-4, 7-5 para angkinin ang titulo sa 18-under division, bago pinayukod ito sa iskor na 6-7, 6-3, 6-4 tagumpay sa boys’ 16-under category.

Show comments