Pormal na inilunsad kahapon ang pinaka-prestihiyosong karera sa Bayview Hotel kahapon.
"Were really happy, we in Milo are given another opportunity to host this important event," ani Milo sports executive Pat Goc-Ong, na sinamahan ni Milo brand manager Angel Umali at Nestle Philippines Eugene David.
May kabuuang 13 qualifying legs na magsisimula sa Naga at magtatapos sa General Santos City sa Setyembre 14, ang nakalinya kung saan inaasahang mas maraming partisipante ang lalahok.
Ang National Finals ay gaganapin sa Manila sa Oktubre 19 kung saan may nakatayang kabuuang premyo na P2.7M.