Dinuplika ni Melody Barraquias ng Dumaguete ang kanyang kambal na panalo matapos na iposte ang 6-2, 6-4 tagumpay kontra naman kay Floreza Alesna sa girls 12-under at Jin Querubin, 7-5, 6-3 sa girls 16-under brackets ng Adidas netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Milo at Sports Kids na may group-3 Philta sanction.
Iginawad ng Adidas sports manager na si Goody Custodio ang mga tropeo kina Alcantara; Barraquias at Siso sa unisex 10-under; Martina Guba ng La Carlota sa girls12-under; Querubin sa girls 14-under; John Villa sa boys 16-under at Janjie Soquino sa boys 21-under divisions.
Iho-host ng Luz Village Tennis Club sa Butuan City ang 3rd leg ng nationwide Adidas Tennis Challenge 2003 simula ngayon.